Latest trends and guides.

Loading...

Directories

Technology & Computers - Top Blogs Philippines Technology

Saturday, September 02, 2017

Bentahan ng manok sa Pampanga, lumalakas na


SAN LUIS, Pampanga - Bumabalik na ang sigla ng bentahan ng manok dito sa bayan, isang linggo matapos ianunsiyo ng gobyerno na nadispatsa na lahat ng mga manok na naapektuhan ng bird flu.
Ayon kay Lovely Nicdao, tindera sa pampublikong pamilihan, nakakabenta na siya ng halos 20 kilo ng manok sa halagang P110 kada kilo kada araw.
Dito sa bayan unang nagdeklara ng bird flu outbreak noong nakaraang buwan. 
"Hindi na sila natatakot sa bird flu," ani Nicdao.
Dagdag niya, halos 2 linggo ring huminto sa pagtitinda ng manok ang ilang tindera dito sa bayan matapos kumpirmahin ng gobyerno na mayroon H5N6 bird flu strain sa ilang manukan.
Ayon sa mga nagtitinda, malaking tulong ang pagkain ng manok ni Pangulong Rodrigo Duterte para makumbinsi ang mga tao na ligtas ang pagkain ng manok. 
Nanguna ang Pangulo, kasama ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo at ilan pang opisyal, sa isang boodle fight sa San Fernando, Pampanga noong Aug. 28, kung saan kumain sila ng chicken barbecue, pritong manok, pritong itik, itlog at balut.
"Siyempre, kumain na sila (Duterte at ibang opisyal) kaya ibig sabihin safe na," saad ni Winy Sanchez, isa pang tindera ng manok.
Ayon sa Department of Agriculture, pinapayagan nang magbenta ng manok at iba pang poultry products dito basta kumpleto ang mga dokumento tulad ng shipping permit at veterinary health certificate.
Hindi bababa sa 600,000 na manok, itik, pugo, at ibang klase ng ibon ang kinatay noong nakaraang buwan sa Pampanga at Nueva Ecija matapos ang paglaganap ng bird flu sa ilang bayan.
Bagamat naipapasa sa tao ang H5N6 virus na natagpuan sa Pampanga, wala pang naitatalang kaso ng Pilipinong nagkaroon ng naturang sakit.
(c) AbsCbn News

No comments:

Post a Comment