Latest trends and guides.

Loading...

Directories

Technology & Computers - Top Blogs Philippines Technology

Friday, September 01, 2017

Holdaper na nambibiktima ng Indian, patay sa Makati


Isa umanong holdaper ang napatay ng mga pulis sa enkuwentro Biyernes ng umaga sa Makati City.
Nakabulagta pa sa kalsada sa kahabaan ng Osmeña Highway ang bangkay ng di pa nakikilalang suspek na nakasuot pa ng helmet.
Naaresto naman ng pulisya ang 3 pang kasamahan nito. Ang isa umano sa kanila ay may tama ng bala at dinala na sa ospital.
Sa nakalap na impormasyon ng DZMM, napag-alaman na noong isang araw pa nakatanggap ng impormasyon ang Quezon City Criminal Investigation and Detection Group hinggil sa operasyon ng grupo na nanghoholdap ng mga Indian national.
Sinundan na ng awtoridad ang grupo hanggang sa matunton na nila ang mga ito sa Osmeña Highway at saktong nambibiktima ng tatlong Indian nationals bandang alas-9 ng umaga ng Biyernes.

Dito na nagkaroon ng enkuwentro na ikinamatay ng isa sa mga suspek. 
Dumating na din ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar.
Narekober mula sa lugar ang ginamit na dalawang motorsiklo ng mga suspek.
Nagsilbi naman back-up naman sa operasyon ang Makati Police.
(c) AbsCbn News

No comments:

Post a Comment