Latest trends and guides.

Loading...

Directories

Technology & Computers - Top Blogs Philippines Technology Protected by Copyscape

Sunday, March 04, 2018

How to Unlock Globe GCash Wallet Easily



Hey Guys, Na-encounter mo din ba ang problem sa GCash Wallet Account mo na ma-Locked? At sa halip na Mag buy load, Send Money, Pay Bills, Withdraw, Check Balance ni isa walang gagana dahil nga sa pagka-locked ng Account mo?

Ano ang mga Possibleng dahilan kung bakit nalo-locked ang GCash Account?

Well, sa Experienced ko ilang beses na ding na-locked ang GCash Wallet ko kasi minsan kapag magta-transact ako nagkakamali o nakakalimutan ko ang GCash MPIN at kung hindi ka pa aware, kapag nagtransact ka wetheir Buy Load, Send Money, Pay Bills, Withdraw, o Check balance at nagkamali kang I-input ang MPIN mo ng 3 Beses yun ay isa sa possibleng dahilan kung bakit na-locked ang Account mo.

Dati nag-withdraw ako sa Landbank gamit ang GCash MasterCard, alam ko naman ang GCash MPIN ko pero nalocked parin ako. Alam mo kung bakit? Dahil yung 1st Amount na nilagay ko is 1020, eh wala naman palang P20 ang ATM Machine kaya ginawa kong 1040, same parin ang error kaya ginawa kong 1050 at ayun sabi ng Machine na 100 lang ang pwede nilang ilabas. Kaya Nung ginawa kong 1,100 ayun Transaction Failed!! Naka-received ako ng Text sa 2882 sabi na na-locked daw ang GCash Wallet ko.

Ayun, hinayaan ko lang kasi akala ko bukas babalik na sa normal. Dumating ang 4 na araw naka-locked parin kaya wala na akong ibang option kundi ipa-unlocked ko ito para magamit ko na uli ang Account ko at ng makapag-withdraw.

Simple lang. Super Simple lang ng paraan para ma-unlock ang GCash Wallet mo.

1. Gumamit ka ng Globe Simcard. Sa case ko kasi trinay kong tumawag sa hotline gamit ang TM Sim pero grabe ang hirap silang makausap dun kasi wala akong marinig na option na pwedeng makausap ang agent. Kaya Suggest ko gamit ka ng GLOBE.

2. Tawag ka na sa GCash Hotline (2882). Free of Charges po ito kahit zero balance pwede ka makatawag.

3. Then pag sumagot na press mo ang 1 then press 6. Para ma-Connect ka agad sa CSR nila.

4. Pag sumagot na sabihin mong Na-lock ang GCash Account mo at gusto mo itong Ipa-unlock.

5. Ive-verify pa nila ang Account mo bago ka nila ma-asikaso. Tatanungin ka ng Complete name na nakaregister sa Account at kung ano ang huli mong ginawa bago ma-locked ang Account mo, dapat masagot mo ito para maverify nila na ikaw talaga ang may-ari ng Account.

6. Kapag na-verify na ang Account mo hintayin mo lang ang gagawin nilang process.

7. Then makakatangap ka ng Temporary PIN from 2882 at need mo yung palitan within 24 hours.

Note: Lahat ng GCash MPIN na ginamit mo na dati ay hindi mo nang pwede gamitin pa uli, kasi hindi magsu-successful ang Change Password Request mo pag ganun.


Other Option is mag-email sa GCash - gcashinquiries@globe.com.ph. Pero hindi ko yan isu-suggest kasi ako mismo sa email nadi-disappoint sa tagal ng reply ng Agent nila, aabotin pa ng ilang weeks bago maprocess. Kaya mas maganda talaga na tumawag sa 2882 para ma-unlock agad wala pang 30 minutes.




No comments:

Post a Comment