GuidePedia

0






Kailan lang ang Smart telecommunication ay nag-luanched ng kanilang promo tungkol dun sa P888 Smart Android Smartphone kit kung saan ito ay sold out nationwide.

Ngayon, sa pinakabagong promo nilang SmartBro 4G pocket WiFi na murang mura lang sa halagang P888 ay magkakaroon ka na ng sariling internet connection na maaari mong gamitin kahit kailan.
Patok na patok din ito ngayon dahil napakamura lang, ang regular price ng mga pocket sa market ay naglalaro sa Php1,495.

Match na match din ito para sa mga studyante lalo na't malapit na namang magbukas ang Klase, para din ito sa mga taong mahilig gumamit ng internet para mag-upload ng selfie,videos at mag-update ng status sa kanilang mga social media.

Ang SmartBro 4G Pocket WiFi ay may 150MB na mobile data valid for 30 days at pwede mag-Connect ng hanggang sa 10 devices at may download speed na 12 Mbps.

Maganda ito para sa summer vacations at roadtrips at bondings para sa pamilya at mga kabarkada!

Pwede kang bumili ng nito sa Smart Online Store smrt.ph/pwifi888. ang bayad  ay available via VISA, Mastercard,
 O cash on delivery. Shipping is FREE Nationwide.





Post a comment Blogger

 
Top