GuidePedia

2
How to Get Your First 100 YouTube Subscribers - YouTube

Ang pagkakaroon ng maraming subscribers ay ang pinaka-mabisang paraan para ma-maximize ang organic reach sa iyong Youtube Channel.

At kung ang layunin mo naman ay ang kumita ng pera sa youtube, ang pagkakaroon ng maraming subscribers ay napaka-importante para ma-unlock mo at magkaroon ka ng mga access sa iba pang Monetization Features ni YouTube. 

Isa sa mga ito ay kailangan mong magkaroon ng at least 1,000 subscribers  para maging Youtube Partner bago ka makapagsimulang kumita sa mga advertisement. And the more subscribers you have, the higher you rise on YouTube's "Benefit Level"  gaya ng (Awards, Managers, Production aid at marami pang iba).

Ngunit para sa iba na hindi hinahangad na maging viral sensation o maging isang Youtube Star balang araw at sinasabing "nandito lang naman sila sa YouTube para supportaan ang kanilang business in a digital strategic way " 

Subscribers are still crucial o mahalaga. Bakit?

Dahil ang 70% ng isang bilyong oras ng video na pinapanood ng mga tao sa YouTube araw-araw ay napagpasyahan ng Youtube Algorithm. Ang ibig sabihin ang abilidad mong makapanghatak ng mga panibagong viewers ay lalawak kung ang sarili mong mga subscribers ay manonood sa mga bagong uploaded videos mo na makakatulong sa pagkakaroon ng Watch time at Engagement nito.

kapag napansin yun ni YouTube Algorithm na dumadami ang engagement sa kaka-upload mo pa lang na video, dun magsisimulang I-recommend ni Youtube algorithm ang video mo sa ibang pang mga viewers na hindi pa nakabisita sa channel mo kailanman. Ang lupet diba?


Why You Shouldn't Buy Subscribers?

Marahil ay gumawa ka na ng sariling research sa google para magkaroon ng kasagotan kung paano nga ba magkaroon o mapadaling maabot ang iyong 1,000 subscribers at napunta ka sa mga website gaya ng Sub4sub, like4like o  di kayay hihikayatin ka pang bumili ng subcribers para hindi na hassle sa part mo na makipag sub to sub sa ibang channel. diba?

Pero alam mo bang hindi ko siya nirerecommend sayo? Bakit?

kasi lahat ng mga yun ay FAKE ACCOUNTS! Yes fake na fake!
magkakaroon ka nga mga subcribers sa channel mo pero sila ay walang kabuhay buhay! Anong ibig sabihin nun? Halimbawa, mayroon kang 10,000 subcribers at nag-upload ka ng 1 minute video. Alam mo bang kahit 1 taon na ang lilipas ay hindi parin magkakaroon ng at least 1,000 views yung video mo kahit pa may 10,000 subscribers ka sa channel mo? 
Kasi nga yung mga subscribers na yun ay hindi totoong viewers o loyal subscribers ! kaya kung ako sayo ay iwasan mo ang mga yun at magfocus ka lang sa paggawa ng mga High Quality-Original Content Videos!


10 Tips to get FREE Youtube Subscribers

Pero syempre bago ang lahat kung ikaw ay bago palang o magsisimula pa lamang sa pagyo-youtube, siguro ay kailangan mo muna mag research kung paano gumawa ng sariling Youtube channel bago mo sundin ang mga tips na ituturo ko sayo!

So ito na ang mga tips kung paano natin iconvert ang viewers into REAL Subscribers.

1. Ask your viewers to subscribe

Easy lang naman pala eh. Pero minsan kasi kailangan natin iremind ang viewers dahil nakakalimutan nilang mag subscribe sayo kahit pa nagustuhan nila ang channel mo o natulungan mo sila. Gawin mo ito after mong maibigay ang useful information na hinahanap nila sa video mo. Huwag mo itong gawing madalas dahil may malaking tsansa na mag unsubscribe sila sayo.

2. End your videos by mentioning the one you're working on next

Sabi nga nila Subscribing to a youtube channel is act of anticipation. Ang mga bagong viewers na nanonood ng videos mo at nakita nila kung anong niche o klaseng mga videos ang ginagawa mo at yun ay gustong gusto nila, sila ay kusang magsu-subscribe sayo at maghahanap ng iba pa! Kaya mas maganda na sabihin mo sa kanila ang next video na iu-upload mo para maenganyo silang abangan yun.
kung ia-apply mo ang tips na 'to sa mga videos mo ay talagang makakapang hikayat ka ng mas maraming pang subscribers sa channel mo.

3. Interact with your audience and make friends

Kung ikaw ay nakikipag-ugnayan sa iyong mga loyal subscribers, mas lalo silang gaganahan na panoorin lahat ng mga videos na iu-upload mo. (Sagutin mo ang kanilang mga komento at i-follow mo din ang kanilang Channel ).

Yes. napaka exciting na may sikat na Youtuber ang magko-koment sa video mo. Pero mas exciting para sa mga viewers mo na ikaw mismo ay magrereply sa komento nila diba?

Sa ganitong paraan mas magugustuhan ka ng mga viewers mo dahil sa ikaw ay friendly vloggers.

4. Improved your Thumbnails

Ang thumbnails ay tumatayo bilang cover photo sa iyong video. Ito ay may malaking chances at makakatulong sa mga video mo para makahatak ng mga viewers. Gumawa ka ng eye-catching thumbnails para kapag may makaka-kita nito ay talagang hindi sila magdadalawang isip na i-click at panoorin ang video mo. Ito ay kadalasang ginagawa ng mga Professional at mga Youtube Star. 

Bigyan lang kita ng idea kung bakit isa ito sa pinaka-importanteng techniques para maconvert mo ang isang viewers into real Subscribers. Isipin mo lang, kahit pa gumawa ka ng pinaka-useful o informative na video compare sa ibang videos na nasa YouTube, kung hindi mo ginawan ng attractive thumbnails ay tiyak ko-konti lang ang manonood nito. Ikaw? everytime ba na may hahanapin kang video sa Youtube, alin ba ang pinaka-una mong tinitignan para mapaclick ka sa isang video?
Ang Title ba, description, views, likes? Aba syempre ang Picture diba? ganun din kasi ako eh hehe.


5. Release Videos on a consistent schedule

Maraming mga expert ang nagsasabi na ang isang paraan para lumago ang iyong youtube channel at magkaroon ng maraming subscribers ay ang "CONSISTENCY".
Yes tama! Consistensy! Kung ikaw ay bagohan pa lang, maari kang mag upload ng at least once a week then increase mo to 3-4 per week kung ang channel mo ay napapansin mo ng lumalago.

Ang Theory dito ay More videos = more watch time from viewers. Pero I tell you, Choose Quality over quantity.

kung ang goal mo ay iconvert ang viewers mo into subscribers, then you need to focus on the Quality of your videos then sunod mo ang consistensy.

Alam mo bang may nakita din akong channel na meron lang 3 videos pero yung videos ay umabot ng 100K views each at merong 200K subscribers sa loob lamang ng 5 buwan? Nung pinanood ko ang videos niya, dun ko narealized na mas importante talaga ang Quality kesa Quantity. Kasi kung may makakapanood nun at nagustuhan nila ay agad talaga silang magsusubscribe kahit hindi mo pa sila sabihan.

6. Optimized Description

Isa ito sa kailangan mong pagtuonan ng pansin dahil sa dito din kinukuha ng Youtube algorithm ang information ng video mo. Halimbawa, nag upload ka ng isang video, ina-analyze pa yun ng algorithm ang video mo kung tungkol saan nga ba ito at kapag mali o irrelevant ang nilalagay mo dito ay tiyak mahihirapan na magrank ang video mo. 

Sample may taong naghahanap sa youtube tungkol sa history ng pilipinas, tapos ang video mo nandun sa suggested videos (Pero ang video mo ay tungkol pal sa business) sa tingin mo iki-click ng viewers ang video mo? Syempre HINDI dahil sa hindi ito related sa topic na hinahanap niya! Kaya dapat mong ayusin lahat ng keywords na ilalagay sa description ng video mo dahil dito nakasalalay ang ranking nito.

Sana ay nakatulong ang mga tips na binigay ko sayo para lumago pa ang YouTube Channel mo.

Post a comment Blogger

  1. I am a new user of this site so here i saw multiple articles and posts posted by this site,I curious more interest in some of them hope you will give more information on this topics in your next articles. Cheap YouTube Services

    ReplyDelete

 
Top