GuidePedia

0



Ang kalawakan ay ang espasyo sa labas ng dagsin ng lupa at sa pagitan ng mga planeta, buwan, at iba pang katulad na bagay. Marami rin itong mga kababalaghan na hindi pa nasasagot ng mga dalubhasa sa agham. Ngayon ay sabay-sabay nating aalamin ang Mga Kakaibang Nakita o Narinig ng mga astronaut sa kalawakan

Wazzap mga ka-Jaidol, Jairo cabales here. Bago natin simulan ang lahat, huwag mo munang kalimutang I-Like, Subscribe at I-hit ang notification bell para lagi kang updated sa mga susunod nating nakakamangha at makabuluhang mga Istorya. Tara? Let’s go!

 

1.     1.UFO parking lot sa buwan

                Kilala ng maraming tao si Neil Armstrong bilang unang taong nakaapak sa buwan noong taong 1969, sakay ng Apollo 11 spaceship. Kilala rin siya sa kanyang katagang “That’s one small step for man, one giant leap for mankind”. Pero taliwas sa kaalaman ng lahat, may kakaibang pangyayaring naganap bago siya umapak sa buwan. Sinasabing may sekreto siyang minsahe na pinadala sa NASA na kung saan ay may nakita umano siyang mga UFO o Unidentified Flying Object sa madilim na bahagi ng buwan. Ang mga nasabing UFO daw umano ay nakaparada lang at animo’y nagmamasid lang sa kanila habang sila’y papa-landing sa maliwanag na parte ng buwan. Ito ang kanyang actual na mensahe: "These babies were huge, sir! Enormous! Oh, God! You wouldn't believe it! ... I'm telling you there are other spacecraft out here ... lined up on the far side of the crater's edge! ... They're on the moon watching us!" 

Ganun paman, naging sarado ang labi ni Neil Armstrong sa naging ugong-ugong na balita dahil narin ang mga ganitong bagay ay tinuturing na “top secret”.

 


2   2. Chinese Astronaut na si Yang Liwei nakarinig ng misteryosong katok sa labas ng kanyang spaceship!

                Noong taong 2003, si Yang Lewei ay naging kauna-unahang Chinese astronaut na pindala ng Chinese Space Program. Pero ang kanyang paglalakbay sa kalawakan ay nahaluan ng isang misteryosong pangyayari ng makarinig siya ng mga “katok” sa labas ng kanyang space ship. Ang nasabing mga katok ay kasing lakas umano ng isang bakal na timba na pinukpok ng isang martilyo. Agad niya itong tiningnan sa labas ng porthole pero bigo siyang matukoy kung saan galing ang malakas na tunog. Hindi nag-iisa si Liwei na nakarinig sa mga katok na ito, sapagkat may mga ilan pang mga Chinese astronaut na pinadala ng China sa mga taong 2005 at 2008.

Hindi ito isang pangkaraniwan na pangyayari dahil ang “space” o kalawakan ay isang vacuum na lugar, na nangangahulugang wala ni isang hangin. Nakaririnig lamang tayo ng isang tunog kapag ang isang bagay ay nagba-vibrate at ang vibration na ito ay naglalakbay sa mga particles ng hangin, dahil ang kalawakan ay walang hangin, at natural lang na tahimik ang lugar na ito at wala ka talagang maririnig.

 

3.   3. Mga lumubog na treasure ships noong unang panahon!

               Noong Dekada 60, si Gordon Cooper ay isa sa mga pioneer ng space exploration ng NASA, sa katunayan hawak niya ang record sa pinakamatagal na space flight na 122 na oras sa panahong iyon. Ipinadala siya sa kasagsagan ng Cold War sa pagitan ng US at Russia, at sa kanyang misyon ding ito nakadiskobre siya ng mga bagay na kanyang naging sekreto sa loob ng 40 na taon.

            Habang nasa kalawakan ay may napansin siyang mga anomaliya sa Caribbean sea, ito ay mga itim na parte sa karagatan, para sa kanya, ito ay mga lumubog na mga treasure ships, kasama na dito ang nawawalang barko ni Christopher Columbus na may lamang kayamanan. Habang nasa kalawakan,  gumawa siya ng isang “mapa” ng mga lokasyon ng mga hinihinalang treasure ships. Bago siya pumanaw, ibinunyag niya ang kanyang sekreto sa kanyang kaibigan na si Darrel Miklos at kanya ring ibinigay ang kanyang mapa. Mula taong 2017, maraming na diskobre si Darrel Miklos  na mga shipwrecks kasama na rito ang mga bilyong halaga ng kayaman. Pero ang pinakamahalaga sa lahat ng kanyang nadiskobre ay ang hinihinalang “angkla” ng barko ni Christopher Columbus na natagpuan niya sa pagitan ng Turks at Caicos island.


4. Russian Cosmonauts nakakita ng mga anghel sa kalawakan?!

                Noong July 1984, tatlong Russian cosmonaut ang nasa Soviet Space Station na nasa kasalukuyang ika 155 na araw ng kanilang misyon, nang di umano’y nakakita sila ng mga animo’y liwanag na kasing laki ng isang eroplano, at hugis itong anghel na may mukha. Ayon kay Commander Oleg Atkov at dalawa pang mga cosmonauts na sina Vladimir Solovyov at Leonid Kizim, isang nakabubulag na liwanag ang pumalibot sa kanilang space station at nang nawala ang liwanag, ay laking gulat nila nang makakita sila ng pitong liwanag na parang tao ang hugis na may mukha at mga pakpak.

                 Napakalaki daw ng mga ito at pinalibutan ang kanilang space station ng mahigit sampung minuto bago ito tuluyang nawala. Maraming nagsasabing nagha-hallucinate lang ang mga cosmonaut dahil na rin sa pagod ng kanilang byahe. Ngunit pinatunayan ito ng ikalawang batch ng mga cosmonaut sa ika 167 na araw, nang makakita rin sila ng  mga liwanag na hugis anghel na ayon sa kanila ay kasing laki ng eroplano. Subalit ang tagpong ito iy pinatiling lihim ng Soviet Union at binalaan ang mga cosmonaut na wag ipagsabi ang naturang incidente.

 

  5. Apollo 15: Hammer-Feather drop

                  Kung kayo ang tatanungin, alin ang unang babagsak sa lupa kapag pinagsabay mong ibagsak ang martilyo at balahibo? Of course marami sa inyo ang pipili sa martilyo. Pero alam nyo ba na kapag nasa isang vacuum ka na lugar (lugar po ito na wala ni isang hangin) ay sabay babagsak ang mga bagay regardless kung gaano kabigat ang isang bagay? Kahit alikabok man yan, kapag sabay mong ibinagsak kasama ang isang martilyo sa isang vacuum na lugar, ay sabay parin babagsak ang dalawa. Ang teoryang ito ay unang isinulong ng isang sikat na scientist na ang pangalan ay Galileo Galilee. Una niya itong pinakita sa kanyang demonstrasyon sa leaning tower of Pisa ng sabay nyang ibinagsak ang cannon ball at musket ball na higit na mas magaan sa cannon ball. Pero ang kanyang naging experiment ay hindi nagtagumpay dahil narin sa presensya ng hangin na nagdudulot nga air resistance sa musket ball. 

                Nagsilbi itong debate sa mga nagdaang panahon dahil na rin maraming mga scientista sa panahong iyon ang namangha sa demonstrasyon ni Galileo dahil hindi lang siya ang kauna-unahang gumawa ng isang teorya na sumasalungat sa teorya ni Aristotle. Ayon kasi kay Aristotle na kapag sabay na ibinagsak ang dalawang bagay na magkaiba ang bigat, unang babagsak ang mas mabigat na bagay kaysa sa mas magaan na bagay. Isa pang dahilan ay ang pagkahumili ng mga tao sa isang pampublikong demonstrasyon. Kaya naman marami ang sumubok na gumawa ng experiment upang mapatunayan ang teorya ni Galileo. 

                Pero ang itinuturing na pinaka-popular na demonstrasyon na ito ay nangyari noong kasagsagan ng Apollo 15 mission sa ating buwan. Ipinakita ni Commander David Scott na ang martilyo at balahibo ay sabay na babagsak sa surface ng buwan. Ang buwan ay isang vacuum na lugar dahil wala itong atmosphere, kaya naman ay wala rin itong hangin, at nasaksihan ito ng maraming tao dahil live itong pinalabas sa telebisyon. Patunay lang ito na tama ang teorya ni Galileo!

 

6.    6. Man-made objects na ginawa ng mga sinaunang tao na makikita sa International Space station

 

Pyramids of Giza

                Ang pyramids of Giza ay matatagpuan sa bansang Egypt. Binubuo ito ng tatlong ga heganteng mga pyramids na may pangalan na Khufu, khafre, at Menkaure. Pinangalan ito sa mga hari ng mga nagdaang dinastiya. Ang pinakaunang ginawa sa kanilang tatlo ay ang Khufu. Ang mga naturang pyramids ay tinatayang ginawa sa pagitan ng taong 2550 at 2490. Isa itong kahanga-hangang instraktura sapagkat ginawa lamang ito ng mga sinaunang tao gamit lamang ang mga simpleng kagamitan, idagdag mo pa ang mga tone-toneladang mga bato na pinagtyagaan buhatin nga mga tao mula sa ibang lugar papunta sa disyerto ng Egypt. Maski mga modernong architect at engineer ngayon ay wala pa ring maliwanag na explinasyon kung paano ba talaga ginawa ang mga pyramids dahil mismo sa modernong panahon ngayon ay mahihirapan pa tayong gumawa kahit meron na tayong mga modernong makina.

                At dahil na rin sa laki ng pagkakagawa nito, makikita ito ng mga astronaut sa International space station. Sa paraang ito, ay natutukoy ng mga astronaut kung saan na ang kanilang lokasyon sa ating mundo habang paikot na binabagtas ang orbit ng earth.

 

7.   7. Great Wall of China

                Ang great wall of China ay sinimulang ginawa nuong panahon ng Chin Dynasty.  Ginawa ito upang magsilbing proteksyun ng China laban sa mga kaaway nito particular na sa mga Mongguls ng Mongolia. Itinuturing din itong pinakamahabang sementeryo sa buong mundo dahil dito narin inilibing ang mga sinaunang tsino na namatay sa kasagsagan ng paggawa sa pader na ito. Tinatayang nasa higit 400,000 na ka tao ang namatay sa paggawa nito. Ganun paman ang madugong sakripisyong ito ay nagbunga ng maraming benepisyo sa bansang China nuong unang panahon, dahil narin kasi sa pader na ito ay napigilan ang mga mananakop na tuluyang masakop ang China. Tinatayang ang haba nito ay 21, 896.18 na kilometro, katumbas ito ng distansya ng kalahati ng mundo! Sobrang tibay din ng pagkakagawa nito dahil sa magpahanggang-sa ngayon ay halos lahat ng parte nito ay ang orihinal na mga materyal.

                Ang great wall ay nakatayo sa mga tuktok ng bundok ng China kaya naman ay kitang-kita ito ng mga astronaut sa kalawakan. Para itong isang relis ng tren kung titignan sa kalawakan.

                Tunay ngang kahanga-hanga ang mga abilidad ng mga sinaunang tao dahil maraming tao kasama na ang mga historian ang nagsasabi na simple lamang ang mga pamumuhay ng mga sinaunag sibilisasyon pero ang mga nakamit nila na ang kahahangang instraktura na sa hanggang ngayon ay patuloy parin nating nakikita, ito ay patunay lang na ang ating kaalaman sa kanila ay hindi pa gaano kalawak.

 

Ano ang masasabi mo sa istoryang ito? I-comment mo sa comment section!

Post a comment Blogger

 
Top